Kasalukuyang kumikilos patungong Camotes Sea ang Tropical Depression “Lannie”.
Huli itong namataan sa coastal waters ng Maasin City, Southern Leyte dakong alas 10:00 kaninang umaga.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (km/h) at pagbugsong 55 km/h.
Samantala, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa mga sumusunod na lugar:
Sa Luzon:
Southern portion of Masbate
Southern portion of Romblon
Southern portion of Oriental Mindoro
Southern portion of Occidental Mindoro
Northern portion of Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands
Sa Visayas:
Eastern Samar
Samar
Biliran
Leyte
Southern Leyte
Capiz
Aklan
Antique
Iloilo
Guimaras
Negros occidental
Northern and central portions of Negros Oriental
Cebu
Bohol
At sa Mindanao:
Surigao del Norte
Dinagat Islands
Northern portion of Agusan del Norte
Camiguin
Alas-8:00 kaninang umaga, huling nag-landfall ang bagyo sa Padre Burgos, Southern Leyte.
Posibleng mag-landfall ulit ito sa bisinidad ng hilagang Palawan o Calamian Islands bukas.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility ang bagyo sa Huwebes ng umaga.