
Arestado ang isang guro sa Sitio Tap-ok, Boulevard, Barangay Enclaro sa Binalbagan, Negros Occidental matapos magbenta ng ilegal na droga.
Kinilala ang 42-anyos na suspek na si alyas “Joffel” at kinokonsidera na high-value target individual sa nasabing lugar.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 9 na plastic sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 25 grams.
Haharap ang suspek sa kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, mahigit P8.5 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam na ng mga awtoridad sa mga isinagawang illegal drugs operations sa buwan ng Agosto ngayong taon.
Batay sa report ng Police Regional Office – Negros Island Region, nasa 1,264 grams ng suspected shabu ang nakumpiska sa 31 police operations na isinagawa noong nakaraang buwan, kung saan 41 na mga indibidwal ang naaresto ng mga awtoridad.









