Manila, Philippines – Maraming estudyante ang talaga namang hate na hate ang math subject.
Kaya naman isang 33-year-old teacher mula sa Eben Donges High School sa Western Cape, South Africa ang naisipang idaan sa hiphop ang patuturo ng math!
Ayon kay Kurt Minnaar, dating choreographer at hip-hop artist – karamihan ng mga kabataan ngayon ang mahilig sa musika at madaling maka-memorize ng kanta.
At simula aniya nang gamitin niya ang naturang teaching method, naging interesado na sa math ang kanyang mga estudyante, naging buhay na buhay ang kanilang klase at wala nang uma-absent.
Gayunpaman, hindi naman daw niya hinihikayat ang iba pang guro na gayahin ang style niya sa pagtuturo, imbes, ay gusto lang niyang ipaalam sa mga guro na dapat ay maging bukas lagi sila sa mas maraming bagay lalo na para sa ikabubuti ng edukasyon.