Nais ng Teachers Dignity Coalition na makausap ang pamunuan ng Department of Education upang malinawan kaugnay sa lumabas na memo ng departamento kamakailan.
Ito ay may kinalaman sa pag atas ng DepEd sa mga opisyales ng DepEd sa Regional at Division Offices na pangalanan kung sino ang mga miyembro ng TDC at Ilan pang mga grupo ng mga guro gaya ng Alliance of Concern Teachers sa buong Pilipinas.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay TDC National Chairperson Benjo Basas, may mga apat na lugar na aniya sa buong Pilipinas kung saan ay kasama ang TDC sa memo ng DepEd.
Ang kaibahan lang nito aniya ay ang pinupunto ng DepEd ay upang malaman ng departamento kung sino ang mga nagbabayad sa pamamagitan ng APDS dahil wala aniya sa mga miyembro ng TDC ang kasali sa Automatic Payroll Deduction System o APDS.
Nakikipag ugnayan na aniya ang kanilang hanay sa DepEd upang mapag usapan ang nasabing memo dahil ang TDC gaya ng ACT ay naglalabas ng mga usapin lalo na sa concern ng mga guro sa buong Pilipinas.
Sa ngayon aniya ay nasa relax mode pa din naman ang mga miyembro ng TDC at hindi aniya natatakot sa ganitong mga usapin. |ifmnews
Facebook Comments