Team Aklan Bayanihan Fund Challenge for COVID-19 Pandemic, nakakalap ng mahigit ₱1-M

Kalibo, Aklan – Nakalikom ng ₱1,320,600 ang Aklan Police Provincial Office sa kanilang isinagawang Team Bayanihan Fund Challenge for COVID-19 Pandemic.

Ang nasabing pera ay mula sa contribution ng mga Philippine National Police (PNP) personnel sa buong lalawigan kung saan ang karamihan sa kanila ay nagbigay ng ₱1,000 at ang iba naman ay ibinigay ang kalahati ng kanilang isang buwang sweldo.

Ayon kay APPO Provincial Director Police Colonel Esmeraldo Osia Jr., ang nasabing hamon ay para makalikom ng halaga ang PNP, para matulungan ang mga mamamayan dito na hindi nakasama sa listahan ang mga pangalan nila bilang benepisyaryo ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno, kung saan ang kanilang source of income ay naapektuhan din dahil sa ipatutupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sanhi ng COVID-19 pandemic.


Facebook Comments