TEAM BASISTA, DINISKWALIPIKA SA GOVERNOR’S CUP INTER-TOWN BASKETBALL TOURNAMENT 2025

Niligwak sa Governor’s Cup Inter-town Basketball Tournament 2025 ang koponan ng mga manlalaro sa Basista matapos ang naging pasya ng mga komisyoner.

Sa opisyal na pahayag, tinukoy na dahil umano sa paglabag sa Player’s Eligibility ng Tournament Grand Rules kaya humantong sa diskwalipikasyon ang koponan sa torneo.

Bigo umanong makapagsumite ng mga dokumento, partikular ang voter’s certificate ng mga magulang ng mga manlalaro, ang pamunuan ng koponan kaya hindi tuluyang napatunayan kung sila ay rehistradong botante at residente sa bayan na kanilang kinakatawan.

Ipinatupad din ng komisyon ang kaukulang multa para sa mga naapektuhang resulta ng palaro at binawi maging ang performance bond ng grupo.

As of December 30, ika-siyam ang Basista sa mga bayan sa Eastern Conference na may standings na 4 wins at 4 lose.

Sa naging mensahe naman ng mga atleta sa Basista, positibo pa rin ang mga ito sa suporta sa nalalapit na liga.

Kaugnay nito, muling iginiit ng komisyon ang pantay at walang kinikilingan na pagpapatupad ng mga palatuntunan ng torneo.

Facebook Comments