*Cauayan City, Isabela-* Nagdiriwang na ngayon ang grupo ni City Mayor Bernard Dy matapos magwagi sa katatapos lamang na eleksyon kahapon, May 13, 2019 sa Lungsod ng Cauayan.
Sa pagtutok ng 98.5 RMN Cauayan sa ginawang proklamasyon at official counting ng mga boto sa Lungsod ay nakuha ang panalo ng buong kaalyado ni incumbent City Mayor Bernard Dy para sa 2019 Local Midterm Elections*.*
Mula sa kabuuang 84,058 na botante sa Lungsod ng Cauayan, nakakuha ng 54, 516 boto para sa posisyong alkalde si Bernard Dy habang nakakuha naman ng 45, 785 boto si incumbent Vice Mayor Leoncio Dalin na may dalawang na katunggali.
Narito naman ang kabuang boto ng nahalal para sa Sangguniang Panlungsod Member ng Cauayan:
1. Cynthia Uy- 42, 668
2. Garry Galutera- 38,697
3. Edgar De Luna- 37,317
4. Egay Atienza- 36,998
5. Telesforo Mallillin- 32,053
6. Rene Uy- 31,908
7. Paul Mauricio- 29,924
8.Bagnos Maximo Jr- 28,394
9.Danilo Asirit- 28,328
10. Rufino Arcega- 26,643
Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay City Mayor Dy, malaki ang pasasalamat nito dahil sa tiwala at suporta ng mga Cauyeño at nangako ito para sa kanyang huling termino na tuparin ang kanilang mga ipinangako upang mapaglingkuran ng mabuti ang mga mamamayan ng Lungsod ng Cauayan.
Matatandaan na walang nakatunggali si Mayor Dy sa pagtakbo nito bilang alkalde habang sa bise mayor ay tatlo ang naglalaban laban na kinabibilangan ni VM Leoncio Dalin at nasa 28 naman sa City Councilors.
Nangunguna naman sa Lungsod ng Cauayan sa posisyong Gobernador ng Isabela si Rodito Albano habang si incumbent Faustino Bojie Dy III naman para sa pagka bise Gobernador.
Samantala, sa pagtatapos ng eleksyon sa lungsod ay nanatili ang kapayapaan at wala namang naitala na anumang election related incidents sa nasabing araw.