Team Cauayan, Umaasa sa Mataas na Rank sa CaVRAA 2019!

Cauayan City, Isabela – Malaki ang paniniwala ng mga city officials na makakamit ng team Cauayan ang mas mataas na pwesto sa susunod na Cagayan Valley Regional Athletic Association o CaVRAA 2019.

Ayon kay City Vice Mayor Leoncio A. Dalin sa panayam ng RMN News Team, na kapag natapos na ang kasalukuyang ginagawang sports complex sa lungsod ay siguradong aangat at lalaban ang Cauayan Team!

Aniya malaking tulong ang may magandang lugar para sa ensayo ng mga atleta na kumpara sa ibang bayan at probinsya na may malawak na sports complex.


Sinabi pa ni Hon Leoncio A. Dalin na malaking karangalan ang nakuha ng Team Cauayan na 11-21-37 Gold Silver at Bronze dahil mas umangat at lumaban parin ang team kumpara noong nakalipas na CaVRAA 2017.

Ipinagmalaki rin ng bise mayor ng lungsod na may 15 libong piso para sa mga nanalong indibidwal na atleta, 30 libong piso nman para team at 5 libong piso sa mga coaches ng team.

Samantala magkakaroon pa umano ng assesstment sa naging resulta ng laro upang makita kung ano ang dapat na gagawin at mapabuti pa ito para sa mga atleta ng Cauayan City.

Facebook Comments