Manila, Philippines – Ipinataw na ni PNP Officer in charge Lieutenant General Archie Gamboa ang pagsibak sa serbisyo kay Lieutenant Joven De Guzman ang team leader ng maanomalyang raid sa Antipolo City nitong Mayo 2019.
Ayon kay Gamboa, tinanggal sa serbisyo si Lieutenant Joven De Guzman matapos makitaan ng grave misconduct ng Internal Affairs Service (IAS) ng PNP.
Kasama rin si De Guzman isa sa 13 ninja cops na nag-operate sa Pampanga.
Una nang sinibak ni Gamboa ang 3 ninja cops na sina Police Master Sergeant Donald Roque, Police Master Sergeant Rommel Vital at Police Corporal Romeo Guerrero, Jr.
Habang pina-review muna ang kaso ni De Guzman dahil 58 days suspension lang ang naipataw dito.
Matatandaang pinasok umano ng pitong pulis ang bahay ng isang Arnold Gramaje nang walang search warrant at pinalabas ng mga ito na buy-bust operation ang nangyari.
Kinuha umano ng mga nasabing pulis ang halagang P30,000 na cash at ilang gadget sa loob ng bahay gayundin ang pagtatanim ng ebidensiya sa biktima.