Team LeBron at team Giannis, excited na sa magiging laban nila mamaya

Excited na ang mga team captains na sina LeBron James at Giannis Antetokounmpo para sa laban nila mamaya sa NBA All Star game.

Kaugnay nito, sisiguraduhin ng bawat teams na magiging seryoso sila sa kanilang laro na mapapanood mamayang alas-9:00 ng umaga (oras sa Pilipinas).

Ikinatuwa din ni LeBron ang ginawang desisyon ni NBA Commissioner Adam Silver na isali sa kaniyang team ang kaibigang si Dwayne Wade na makakasama niya sa huling All Star game nito bago magretiro.


Samantala, tinalo naman ni Joe Harris ng Brooklyn Nets si Stephen Curry ng Golden State Warriors sa finals ng three-point shootout habang nanalo sa slam dunk contest si Hamidou Diallo ng Oklahoma City Thunder kung saan nanalo din sa skills challenge si Jayson Tatum ng Boston Celtics.

Facebook Comments