Team na tutukoy sa  epekto ng gulo sa Israel sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa binuo ng DTI

Bumuo ng team ang Department of Trade and Industry (DTI), na nakatuon lamang sa epekto ng matinding sagupaan sa Israel.

Sa bagong pilipinas ngayon, sinabi ni Trade Industry Undersecretary Kim Lokin na tututok ang bubuuhing team sa epekto ng gulo sa Israel sa  presyo ng mga produkto sa bansa.

Maituturing aniyang isang basic consumer concern ito.


Pero sa kasalukuyan hindi pa nakikita o nararamdan ang epekto ng giyera.

Aalamin naman daw ng DTI ayon kay Lokin kung gaano kalaki ang antas ng mga ini-import at ini-export ng Pilipinas sa Israel.

Batay sa datos ng Israel Ministry of Economy, ang industry ilan sa mga pangunahing ini-export ng Israel sa Pilipinas ay  machinery and electronic equipment, transportation equipment,  base metals, chemical products at agricultural products.

Facebook Comments