Papunta na ngayong umaga ang team ng DZXL Pulso ng Metro sa Caloocan City.
Kasama ang main anchor ng programa na si Radyoman Ronnie Ramos, magsasagawa ng stickering campaign ang Pulso ng Metro team sa mga terminal ng tricycle.
Bibisita rin ang DZXL PNM sa mga barangay para alamin ang mga ginagawa nilang pag-iingat ngayong nasa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at paghahanda ngayong papalapit na paggunita ng Undas.
Noong nakaraang linggo, walong terminal ng tricycle mula sa pitong barangay sa San Juan City ang binisita ng Pulso ng Metro team.
Ito ay babalikan ng DZXL Pulso ng Metro sa mga susunod na linggo para naman sa bitbit nating noche buena items.
Ang programang Pulso ng Metro ng DZXL Radyo Trabaho ay inyong mapapakinggan tuwing alas-6:30 ng umaga, alas-12:30 ng tanghali at alas-6:00 ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.
Manatili lamang nakatutok sa mga programa ng DZXL 558 Radyo Trabaho dahil baka ang inyong lugar na ang aming sunod na bisitahin.