Team Pangasinan nasungkit ang 6th place sa Batang Pinoy 2019

Nasungkit ng Pangasinan ang ika anim na pwesto mula sa 204 na siyudad at lalawigan na kalahok sa Batang Pinoy 2019 na isinagawa sa Puerto Princesa Palawan noong simula noong Agosto 26 hanggang Agosto 31, 2019.
Sa Over all tally naka kuha ng 25 gold, 26 silver, 30 bronze ang Pangasinan. Mula sa larong Lawn Tennis, Beach Volleyball, Cycling, Athletics at iba pa ang nag-uwi ng medalaya.
Binubuo ng 202 na delegado mula sa Pangasinan ang sumabak sa Batang Pinoy 2019.
Naka kuha naman ang Dagupan City ng 4 na gold, 4 silver at 9 na bronze na medalya.
Samantala, Over All Champion sa Batang Pinoy 2019 ang Baguio City.
Photo Credit: Province of Pangasinan Official Fanpage

Facebook Comments