Manila, Philippines – Bumagsak sa ika-pitong pwesto ang team Philippines sa 2017 FIBA 3×3 under-18 Asia Cup na ginanap sa Cyberjaya, Malaysia.
Hindi nakaporma ang Pilipinas na kinabibilangan nina Rhayyan Amsali, Harvey Pagsanjan, Andrew Velasco at Michael Malonzo sa team ng Qatar kaya’t natalo sila sa quarterfinals sa score na 20-17.
Isang beses din nanalo ang Pilipinas sa preliminary round kung saan tinalo nila ang Kazakhstan sa score na 18-13.
Nasungkit naman ng China ang kampeonato matapos tlaunin ang Chinese Taipei sa score na 17-12 habang nasa third place ang qatar makaraang manalo sa Lebanon sa score na 21-16.
DZXL558
Facebook Comments