Team Pilipinas, ginagawa na ang lahat para makasali si NBA star Jordan Clarkson sa FIBA World Cup

Muling kinuha ng Team Pilipinas si Cleveland Cavaliers Guard Jordan Clarkson bilang local player ng bansa sa 2019 FIBA World Cup na gaganapin sa August 31 hanggang Setyembre 15 sa China.

Una nang nakapaglaro si Clarkson sa Team Pilipinas noong 2018 Asian Games.

Malaking bagay umano para sa Team Pilipinas ang posibleng tambalan nina Clarkson at naturalized Filipino Player Andray Blatche para sa pagsabak ng bansa sa World Cup.


sa ngayon, ginagawa ng samahang basketbol ng Pilipinas ang lahat ng paraan para payagang makapaglaro para sa Pilipinas si Clarkson at umaasa din naman ang player na makakasali siya sa team.

Samantala, hindi na maglalaro sa World Cup si Los Angeles Lakers Forward Lebron James habang pinag-iisipan pa niya ang pagsali sa Team US na sasabak naman sa 2020 Tokyo Olympic Games.

Facebook Comments