Teamwork at Camaraderie mas pinapalakas pa ng LGU Buldon

Napuno ng kasayahan at kaalaman ang isinagawang 3 araw na Team Building ng Local Government Unit ng Buldon, Maguindanao.

Layun ng Team Building ay lalo pang palakasin ang samahan lalo na ang teamwork at camaraderie ng mga empleyado at mga opisyales ng LGU ayon pakay Buldon Mayor Abolais Manalao. Napakahalaga aniyang nagkakaisa ang lahat ng mga taga LGU para magiging maganda ang serbisyong naibibigay sa publiko dagdag pa ng alkalde.

Lahat aniya ng mga empleyado mula sa Executive Department, Legislative Department, mga Department Heads maging ordinaryong empleyado ay nakiisa sa mga naging programa at palaro ng aktibidad giit pa ni Mayor Manalao.


Bagaman maituturing na simpleng programa, sinaludohan naman ni Civil Service Maguindanao Field Officer II Arnold Joloya ang naging inisyatiba ni Mayor Manalao para sa kanyang mga kasamahan sa LGU.

Napakalaki aniya itong pagkakataon para lalo pang maencourage at mamotivate ang mga empleyado na gampanan ang kani kanilang mga tungkulin para na rin maattain ang mission at vision ng LGU dagdag ni Joloya na syang naging pangunahing bisita sa Team Building.

Matatandaang ang LGU Buldon ay isa sa naging multi awadee Municipality di lamang sa Maguindanao kundi sa buong BARMM noong nakaraang mga taon , itoy dahil na rin aniya sa mga naging inisyatiba ng mga kawani ng munisipyo giit naman ni Mayor Manalao.

Isinagawa ng Team Building sa Samal Island mula February 27 hanggang February 29 ,2020.

Facebook Comments