‘TECH4ED’ CENTER SA INFANTA, BUKAS NA

INFANTA, PANGASINAN – Bukas na sa publiko partikular na sa mga residente sa bayan ng Infanta ang Tech4Ed o Technology for Education Center.

Opisyal na itong binuksan ng lokal na pamahalaan para matulungan ang mga mamamayan dito sa kanilang mga teknikal na pangangailangan gaya na lamang kung wala silang kompyuter sa bahay, nais makaiwas sa mahabang pila sa mga internet cafe o shop, o di kaya’y walang internet connection.

Sa pamamagitan ng eGov services ng Tech4Ed, maaari nang asikasuhin ang NBI Clearance, SSS, Passport Appointment, PRC, PhilSys Online Registration at iba pang government sites nang libre.


Maaari ring gamitin ang mga ICT equipment sa loob ng center sa paghahanap ng trabaho online o di kaya ay sa online classes.

Samantala, nagpapaanyaya naman ang lgu sa mga nais gumamit ng serbisyong ito na magtungo sa 1st Floor, Old Municipal Hall mula Lunes hanggang Biyernes, alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Facebook Comments