TECHNICAL ADVISORY VISIT ORIENTATION, ISASAGAWA SA BAYAN NG SAN GUILLERMO

CAUAYAN CITY – Inaanyayahan ng Public Employment Service Office (PESO) San Guillermo ang lahat ng micro-business owners na dumalo sa Technical Advisory Visit (TAV) Orientation na gaganapin sa April 14, 2025.

Katuwang ng PESO sa nasabing aktibidad ang Department of Labor and Employment (DOLE) na layuning palawakin ang kaalaman ng mga negosyante sa tamang pamamalakad ng negosyo at pagpapahalaga sa kanilang mga manggagawa.

Kabilang sa tatalaking pakaq sa oryentasyon ay ang Barangay Micro Business Enterprise (BMBE), compliane with minimum wage laws, time and motion studies, piece-rate payment systems, overtime and holiday pay computation, occupational safety and health standards, productivity enhancement, at iba pa.

Ang oryentasyong ito ay bukas para sa mga may-ari o manager ng micro-enterprises sa bayan ng San Guillermo na hindi pa kailanman nakadalo sa Technical Advisory Visit.

Facebook Comments