Technical difficulties, umabala sa unang araw ng online registration para sa National ID

Nakaranas ng “technical difficulties” ang website ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa unang araw ng online registration para sa National ID.

Sa inilabas na advisory ng PSA, sinabi ng ahensya na sinisikap na ng kanilang team na resolbahin ang issue sa lalong madaling panahon.

Humihingi naman ng paumanhin ang ahensya sa abalang idinulot ng technical difficulties sa publiko.


Matatandaang una nang sinabi ng National Economic Development Authority (NEDA) na kokolektahin sa online system ang demographic information ng mga aplikante para sa National ID.

2018 nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National ID kung saan naging ganap na itong batas.

Facebook Comments