TECHNICAL GLITCH | Cebu Pac aircraft, ligtas na nakabalik ng airport

Manila, Philippines – Napilitang bumalik sa Mactan Cebu International Airport ang eroplanong Cebu Pacific Air papunta sanang Cagayan de Oro.

Batay sa impormasyon ng Cebu Pacific, bumalik ng Cebu Airport ang CebGo flight DG 6717 bunsod ng technical problem.

Ligtas namang nakalapag ng paliparan ang eroplano kaninang 11:06 ng umaga.


Tumanggi naman ang Cebu Pac na magbigay pa ng ibang impormasyon sa technical glitch ng nasabing eroplano.

Maayos namang nakababa ng eroplano ang mga pasahero at binigyan din ang mga ito ng pagkain at inumin habang naghihintay ng kapalit na aircraft na masasakyan.

Facebook Comments