TECHNICAL PROBLEM | MRT-3, muling nagka-aberya kanina

Manila, Philippines – Bandang 5:37 kaninang umaga nang pababain ang may 620 na pasahero na sakay ng isang tren sa Shaw Blvd. South Bound.

Batay sa statement MRT-3 management, technical problem na tinatawag na electrical failure sa motor ng tren dulot ng mga lumang sub components ang dahilan kaya ito nagmalfunction o hindi mapaandar.

Tinanggal na ang agad ang tren para dalhin sa depot.


Naisakay agad ang mga pasahero sa sumunod na tren makalipas ang tatlong minuto.

Nagsasagawa na ng preventive maintenance at replacement ng electrical components ng nagka-aberyang tren.

Facebook Comments