Manila, Philippines – Naniniwala si Senador Richard Gordon na dapat nang
paigtingin ang kampanya ng gobyerno kontra smuggling.
Ayon kay Gordon, aabot sa higit 400 bilyong piso ang nawala sa gobyerno
mula 2012 hanggang 2016 dahil sa mga uncollected duties at Value Added Tax
(VAT) mula sa mga inaangkat na produkto lalo na kung galing China.
Binigyang diin ng senador, resulta ito ng technical smuggling sa
pamamagitan ng hindi tamang pagdedeklara ng mga produkto.
Kapag naghigpit aniya ang pamahalaan ay matitiyak nito na magkakaroon na ng
pondo para sa mga development projects at tugunan ang pangangailangan ng
bansa.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>
Facebook Comments