Inilunsad kahapon ang kauna-unahang Technical Vocational College sa Dagupan City.
Alinsunod ito sa itatayong Technical Vocational Center sa Barangay Poblacion na layuning makapagbigay ng kaalaman ng libre sa mga Dagupeño na nais mag-aral ng mga alok na kurso.
Kabilang sa scholarship courses na alok ng naturang tech-voc college ay Aquaculture/food processing, automotive, housekeeping, bookkeeping, tourism promotion servicing, SMAW (welding), caregiving, masonry/construction/painting, at dressmaking. Sa pamamagitan at tulong ng TESDA ay libreng matututo ang mga nais na pumasok sa mga naturang kurso ng livelihood.
Nagbigay naman ng pasasalamat ang kagawaran ng edukasyon sa suporta nito sa edukasyon para sa mga kabataan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments