Technical working group, binuo para pag-aralan ang rapid antigen COVID-19 testing

Sinisilip na ng pamahalaan ang posibleng paggamit ng rapid antigen testing para mapalakas ang screening sa mga pasyente sa COVID-19.

Ang Inter-Agency Task Force (IATF) ay bumuo na ng technical working group para ihanda ang mga guidelines sa bagong diagnostic test para sa mabilis na detection ng virus.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, kapag inaprubahan ng IATF ang protocol hinggil dito ay mapapabilis ang testing efforts kung saan ang resulta ng antigen test ay maaaring malaman sa loob lamang ng kalahating oras.


Sa antigen testing, mabilis nitong natutukoy ang coronavirus at inaasahang makakapagbigay ng mas accurate na resulta at mabilis na turnaround.

Sa ngayon, ang Polymerase Chain Reaction o PCR test at rapid antibody test kits ang ginagamit ng pamahalaan sa COVID-19 testing.

Facebook Comments