
Muling magpupulong ngayong araw ang Technical Working Group (TWG) for Asset Recovery sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Taguig City.
Ito ay pamumunuan ni Atty. Renato Paraiso, Acting Executive Director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC).
Muling tatalakayin ng TWG ang nagpapatuloy na inter-agency coordination efforts para mabawi ang sinasabing ninakaw ng mga sangkot sa maanomalyang flood control projects.
Ito na ang ikawalong pagpupulong ng TWG for Asset Recovery.
Una nang inihayag ni ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka na patuloy pa nilang isinasapinal ang kanilang reports sa naging hearings ng Komisyon.
Facebook Comments










