Technical working group ng DOLE, ilalabas na ang rekomendasyon kaugnay ng pagpapasuot ng high-heels sa mga empleyadong babae

Manila, Philippines – Posibleng ilalabas na ng Dept. of Labor and Employment o DOLE mamaya ang kautusan na nagbabawal sa sapilitang pagpapasuot ng high-heels o sapatos na may mataas na takong sa mga babaeng empleyado.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello hanggang kahapon nalamang ang huling araw ang binuong Technical Working Group para magsumite ng rekumendasyon na mangangasiwa sa pagpagpapasuot ng high-heels sa mga babaeng empleyado sa lugar ng trabaho.

Paliwanag ni Bello sa ilalim ng Administrative Order No. 368 inaatasan ang TWG na magsumite ng rekumendasyon kaugnay ng pagpapatupad ng Article 132 ng Labor Code na nagtatakda ng pagbalangkas ng panuntunan na titiyak sa kaligtasan at kalusugan ng mga babaeng empleyado.


Giit ng kalihim base sa naturang probisyon, maaari niyang atasan ang mga employer na maglaan ng upuan para sa mga babaeng empleyado at payagan silang umupo kapag hindi abala sa trabaho at sa oras ng trabaho kung hindi naman maaapektuhan ang pagganap nila ng tungkulin.

Ikinatuwa naman ng mga sales lady ang naturang kautusan ng DOLE malaking tulong umano sa kanila para makapahinga sila kahit ilang minuto lamang dahil ilang oras na rin silang nakatayo sa kanilang trabaho.

Facebook Comments