Technical working group ng DOLE, inaayos na ang kautusan para sa pagbabawal ng pagsusuot ng high heels sa mga empleyado

Manila, Philippines – Inaayos na ng Technical Working Group ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang paglalabas ng utos laban sa sapilitang pagpapasuot ng high heels sa trabaho.

Ayon kay Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) spokesperson Alan Tanjusay – maraming empleyado na ang naaksidente habang nakasuot ng mataas na takong sa trabaho.

Sinisilip na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga walang upuang trabaho.


Aniya, hindi pwedeng pangmatagalang nakatayo ang mga empleyado.

Dapat may lima hanggang sampung minutong pahinga kada-oras na pagtayo sa trabaho.

Sa oras na lumabas ang kautusan, wala nang magagawa ang mga employer kundi sundin ito.

Facebook Comments