Technical Working Group para bumuo ng rekomendasyon hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN, binuo ng Kamara

Bumuo na ang Kamara ng Technical Working Group (TWG) para pag-aralan at bumuo ng rekomendasyon sa panukalang magbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Nabatid na tinapos na ng mababang kapulungan sa ika-13 pagdinig ang franchise issue ng network.

Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Chairperson Franz Alvarez, layunin nitong magkaroon ng sistematiko at organisadong konsiderasyon sa mga punto at argumento ng iba’t ibang panig.


Ang mga miyembro ng TWG ay sina Deputy Speaker Pablo John Garcia, Camiguin Representative Xavier Jesus Romualdo at Marikina City Representative Stella Quimbo.

Ang output ng TWG ay ipiprisenta sa meeting ng House Legislative Franchise panel hearing mamayang hapon.

Bagama’t hindi pa ina-anunsyo ang final schedule ng botohan, nanawagan si Alvarez sa mga kapwa miyembro ng komite na bumoto base sa kanilang appreciation sa mga facts at testimonies na ipinakita sa pagdinig.

Samantala, sinabi naman ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairperson Jonathan Sy-Alvarado na patuloy ang kanilang deliberasyon sa mga resolusyong layong imbestigahan ang naging papel ng National Telecommunications Commission at Office of the Solicitor General sa pagpapahinto ng broadcast operations ng ABS-CBN.

Facebook Comments