Bumuo na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ng Technical Working Group (TWG) sa gitna ng kinakaharap na krisis ng bansa dulot ng COVID-19.
Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Nograles, ang TWG ay inatasang bumuo ng detalyadong rekomendasyon para i-angat muli ang consumer at business confidence at muling pagbangon ng ekonomiya.
Ang TWG ay pamumunuan ng NEDA, at ang mga miyembro nito ay binubuo ng Dept. of Agriculture, Dept. of Trade and Industry at National Intelligence Coordinating Agency.
Sinabi rin ni Nograles na ang mga establisyimentong may kinalaman sa food manufacturing at distribution ay pwedeng mag-operate, pero 50% lamang ng kanilang manggagawa ang pwedeng magtrabaho habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.
Ipinag-utos din ng IATF ang paglalabas ng lahat ng refrigirated containters at dry vans sa mga port para matiyak na available ang essential goods tulad ng pagkain at gamot at iba pang basic commodities.
Naglaan na rin ng 31 billion pesos ang pamahalaan para sa “Plant, Plant, Plant” program ng Dept. of Agriculture upang mapalawak at maitaas ang food security ng bansa.
Inatasan din ang mga LGU at pamunuan ng mga pamilihan na sundin ang price freeze at suggested retail prices ng mga produkto.