Technician, Arestado sa Paglabag sa BP 22!

Roxas, Isabela – Timbog ang isang technician matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas otso kaninang umaga sa Brgy. Rizal, Roxas, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Norman Diaz Bries, 41 anyos, may asawa, technician at residente ng Brgy. Vira, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto si Bries ng mga kasapi ng PNP Roxas sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Rommelo C. Camarillo ng MTC Branch 107, Valenzuela City, dahil sa 11 counts na paglabag sa BP 22 o The Bouncing Checks Law.


Dinala na sa PNP Roxas si Bries para sa kaukulang disposisyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng piyansang dalawang libong piso (2,000.00) bawat isa.

Facebook Comments