Nangako si presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na isusulong niya ang isang technology driven na sektor ng agrikultura upang makasabay ang bansa sa hamon ng food security.
Sa courtesy call ni Indian Ambassador to the Philippines Shambhu Kumaran kay Marcos, napag-usapan nila ang pagbabahagi ng India ng kanilang mga teknolohiya sa Pilipinas upang mapalakas ang agricultural production nito.
Plano rin ni Marcos na mahikayat ang mas batang henerasyon sa pagsasaka na aktibong makibahagi sa mga gawaing pang-agrikultura.
Ani Marcos, base sa datos, nasa mga edad 56-57 ang mga nasa sektor ng agrikuktura sa bansa sa ngayon.
Aniya, sa pamamagitan ng mga makabagong mga pamamaraan ay maeengganyo ang mas batang henerasyon na tumutok sa gawaing pagsasaka.
Ikinagulat ni Marcos ang programa sa India na nakapagbigay ng panimulang negosyo.
Target din niya itong gawin sa bansa na makapagbukas ng bank account at maisusulong ang tinatawag na micro financing na makatutulong din sa mga mamamayan.
Hiniling din niya sa India na makapagpatayo sa bansa ng mga planta ng mga pinakapangangailangang mga gamot upang makatulong sa mga mamamayan na may mabiling murang gamot.