
Pinabulaanan ng Taipei Economic and Cultural Office in the Philippines (TECO) na Taiwanese ang naaresto ng Pasay City Police Station na mastermind sa “drum murder case.”
Ayon sa TECO, sa kanilang ginawang beripikasyon at pagbusisi sa passport ng suspect, lumalabas na peke ang Taiwanese passport na prinisinta nito.
Nilinaw rin ng TECO na sa kanilang pagsagawa ng consular verification sa suspek, nabigo itong magpakita ng balidong Taiwan National Identification Number at inamin nito na siya ay Chinese national.
Inamin din anila ng dayuhang suspek na nabili niya ang pekeng Taiwanese passport sa pamamagitan ng Telegram application.
Sa kabila nito, tiniyak ng TECO na patuloy na makikipagtulungan ang Taiwanese government sa ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ng Pilipinas.
Ang naturang dayuhan ay natukoy na principal suspect sa pagpatay at pag-chop-chop sa labi ng biktimang Chinese national na inilagay loob ng drum at itinapon sa Binondo, Manila.










