TEEN CENTER SA DAGUPAN CITY, MULING BINUKSAN

Muling binuksan ang Teen Center sa Dagupan City matapos isagawa ang reopening nito, ngayong araw.

Ang naturang center ay muling binuksan at ginamit ang dating opisina ng Public Order and Safety Office (POSO) Dagupan sa bahagi ng Barangay Poblacion Oeste.

Ito ay mapapakinabang ng mga Sangguniang Kabataan sa pangangasiwa naman ng City Population and Development Office at Sports Development Office.

Ang nasabing pasilidad ay mayroong Conference Room para sa mga magaganap na pulong, Training Hall para sa mga seminar at workshop maging Events Room para sa boxing at dancing.

Isa ang teen center sa patuloy na hakbang sa pagbibigay suporta ng lokal na pamahalaan sa mga kabataang Dagupeño pati na rin ng kanilang mga pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments