TEENAGER MULA ASINGAN PANGASINAN NAPAGTAGUMPAYAN ANG LABAN NITO SA COVID-19

SAN CARLOS CITY, PANGASINAN – Masayang ibinahagi ng Provincial Health Office (PHO) na maaari ng makauwi sa Asingan Pangasinan ang COVID patient na isang 17 years old matapos na mag-negatibo na sa confirmatory test nito ng COVID-19. Sa panayam ng IFM Dagupan kay Provincial Health Officer Dr. Anna De Guzman, sinabi nitong nakuha ng dalaga ang naturang sakit sa COVID-19 dahil sa direktang pagkaka-expose nito sa lalakeng taga Asingan na unang na-nag-positibo sa nasabing sakit.

Samantala, kinumpira naman ng PHO na gumaling na rin ang COVID-19 patient ng Sual Pangasinan nitong araw lamang. Ngunit nalulungkot din sila dahil nakapag-tala ng aabot sa 14 new cases ang Dagupan City na mga pawing front-liners. Target ngayon ng lalawigan na magkaroon na ng molecular laboratory testing sa loob ng Pangasinan Provincial Hospital upang mas mapadali ang pagtest sa mga swab sample.

Facebook Comments