Teenager na umano’y holdaper at pusher, patay sa Quezon City

18

Quezon City – Patay matapos pagbabarilin ang isang teenager na sinasabing holdaper at pusher ng droga sa Payatas, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si John Kevin Mendez, 19-anyos, nakatira sa 16 Kamagong St., Barangay Commonwealth.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa tapat ng isang mini mart sa Rosal extension corner Ilang-Ilang St., Barangay Payatas kung saan papauwi na ang biktima kasama ang mga kaibigan nang haranging sila ng dalawang suspek at saka siya pinagbabaril.

Patuloy naman inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen at maging ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments