Teenager tadtad ng taga natagpuang patay sa Semba , Datu Odin Sinsuat

Kahindik hindik ang sinapit ng isang 13 anyos na babae matapos itong makitang nasa advance state of decomposition at tadtad ng saksak sa ibat ibang parte ng katawan kamakalawa ng hapon sa sitio Daway barangay Upper Semba DOS Maguindanao.
Kinilala ng DOS PNP ang biktima nasi Bai Tayan Abas na residente rin ng nasabing barangay.
Ayon sa paunang inbestigasyon ni PSupt Sabri Lakibol ang hepe ng DOS PNP, noong March 20 ng iniulat sa kanilang himpilan na nawawala umano ang 13 anyos, at noong March 26 dakong 3:15 ng hapon ng makitang bangkay na ang bata, na posibleng ilang araw ng pinatay dahil masangsang na ang amoy, na nakita sa gilid ng creek malapit sa sagingan.
Isang itak naman ang narecover ng kapulisan sa crime scene na posibleng ginamit sa krimen. Hindi pa mabatid kung ginahasa ba ang naturang biktima.Sa ngayon ay meron na umanong person of interest ang DOS PNP kung sino ang posibleng nasa likod sa pagpatay sa 13 anyos na babae.(Michael Suan)
google pic

Facebook Comments