TEKA LANG! | Posibleng pagbabalik ng war on drugs sa PNP, inalmahan

Manila, Philippines – Hindi pa man naibabalik sa Philippine National Police (PNP) ang war on drugs, umalma na ang isang grupo rito.

Ayon kay ma. Socorro Diokno, Secretary General ng Free Legal Assistance Group (FLAG), posibleng dumanak na naman ang dugo kapag PNP na muli at hindi na PDEA ang mangunguna sa mga anti-drug operation.

Binatikos din ng FLAG ang pulisya dahil sa report ng Reuters ukol sa CCTV video na kuha mula sa Tondo, Maynila noong Oktubre.


Sa report ng Reuters, kita ang mga bangkay na inilalabas mula sa isang bahay, ilang minuto matapos dumating ang mga operatiba ng PNP.

Facebook Comments