Teka, teka nationwide smoking ban – sa July 22 pa

Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Health na sa July 22 pa at hindi bukas ipapatupad ang nationwide smoking ban.

Sa interview ng RMN kay DOH spokesperson Asec. Eric Tayag – na-delay kasi ang ang pagpapalabas sa mga pahayagan ng Executive Order. 26 kaya sa July 22 pa ang implementasyon ng batas.

Nilinaw din ni tayag na hindi na kailangan ng implementing rules and regulation (irr) dahil nakalagay na sa eo 26 ang mga dapat at hindi dapat gawin.


Ipinaalala rin ni Tayag sa mga Local Government Unit (LGU) ang pagbuo ng mga task force na siyang magpapatupad sa batas.

Binalaan din nito na ang mga tindahan at mga gusali na mas mabuting maglagay muna ng karatulang “no smoking” kung wala pang smoking area.

Sinabi ni tayag na desisyon na ng LGUs kung ipagbabawal din ang paggamit ng electronic cigarette o vape.

Multang 500 hanggang 10,000 pesos ang naghihintay sa mga lalabag sa nasabing batas.

Facebook Comments