Teknolohiya, ang kinabukasan sa paglaban sa trafficking – DOJ

Pinatunayan lang ng pandemya na ang teknolohiya ang ‘future’ sa paglaban sa human trafficking.

Sa kanyang talumpati sa annual Manila International Dialogue Against Human Trafficking, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, nagkakaroon na ng paglilinaw sa kung paano ang global response sa trafficking sa hinaharap.

Ang pag-unlad ng teknolohiya ang nagpalutang ng iba’t ibang paraan para isagawa ng trafficking pero maaaring gamitin para malabanan ito.


Marami na aniyang kumpanya ang nakikiisa sa laban at gumagawa ng mga technology solutions kontra human trafficking.

Makatutulong din ang teknolohiya para sa pagsasagawa ng epektibong paghahatid ng hustisya.

Ang Department of Justice (DOJ) ay pinapayagan ang “e-inquest” para sa mga naaresto na walang warrants.

Facebook Comments