Teknolohiya, gagamitin sa paglaban sa korapsyon – PACC

Iginiit ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na kailangang paigtingin ang anti-corruption campaign sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica, para manalo sa laban kontra korapsyon ay kinakailangang palitan ang mga institusyon at mga sistemang nagpapairal ng katiwalian.

“We need to level up, step up in our game. Yung mga korap kasi, sanay na sanay na sila sa ginagawa nila kaya wala na silang takot gumawa ng kabalbalan,” sabi ni Belgica.


Ang teknolohiya aniya ay malaki ang papel upang magtagumpay ang laban sa sistematikong korapsyon sa pamahalaan.

“The capability to monitor the money flow, identify fragments in the IT system and evaluate systems and organizational flaws using data sourced through automation is an important capability that the government should possess,” ani Belgica.

Hinimok ni Belgica ang publiko na tulungan ang pamahalaan sa pagsawata sa korapsyon sa pamamagitan ng pagsumbong sa anumang anomalya sa mga ahensya.

Maaaring ipadala nila ang kanilang sumbong sa PACC at sa Anti-Red Tape Authority.

Nabatid na nag-alok ng resignation si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa walang katapusang korapsyon sa gobyerno.

Nakiusap din ang Pangulo sa Kongreso na ipasa ang bagong panukalang batas na layong puksain ang korapsyon at mapabilis ang government transactions para mai-promote ang ease of doing business sa bansa.

Facebook Comments