Nais ng Malacañang sa mga private telecommunication companies sa Pilipinas na sabihan ang gobyerno kung ano ang kailangan nito para maabot ang mahusay na serbisyo na pang-‘world class.’
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, mahalagang mabigyan nang maayos at dekalidad na serbisyo ang bawat Pilipino lalo na sa komunikasyon.
Sinabi naman ni National Telecommunications Commission (NTC) Commissioner Gamaliel Cordoba na sa ibang bansa, ang kanilang gobyerno ang nagtatayo ng imprastraktura lalo na at kada dalawang porsyentong taas sa broadband speed ay malaking epekto sa Gross Domestic Product (GDP) ng isang bansa.
Ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ay mangangailangan ng 18 billion pesos para maabot ang world-class service.
Sa ngayon, aabot pa lamang sa 6 billion pesos ang inilalaan ng Kongreso sa national broadband project.