Manila, Philippines – Posibleng paikliin o palawigin ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang petsa para sa bid award para sa ikatlong telecom player.
Nabatid na orihinal na nakatakda ang bid award sa Disyembre.
Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio, 15 telco ang interesado na magsumite ng kanilang proposal.
Kabilang sa mga kumpanya na nais mag-bid para sa New Major Player (NMP) slot ay ang PT&T, Converge, Transpacific Broadband Group, Easy Call and Tier One.
Ang mga foreign telco naman ay China Telecom, Korea Tel, LG, Vietnam Telecom, Telenor, AT&T, at isang Japanese firm.
Gagamitin din ng DICT ang inputs galing sa Philippine Competition Commission (PCC) para maresolba ang mga isyu hinggil sa pagtakda ng isang ‘participant’ para mapabilis ang NMP selection process.