Manila, Philippines – Nakahanda na ang Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) para i-anunsyo ang ikatlong telecommunications player sa bansa sa susunod na linggo.
Ipakikilala na ang bagong telecom player sa November 07, 2018.
Nasa 10 kumpanya na ang kumuha ng selection documents sa NTC.
Kabilang sa mga ito ay sumusunod:
– Ama Telecommunications Corp.
– China Telecommunications Corp.
– PT&T
– Now Telecom
– Telenor Asa Group
– Udenna Corp.
– Lcs Group of Companies and Tier 1
– Mobitel Holding
– Converge ICT
– At isang hindi pa tinukoy na bidder
Handa rin ang NTC na tumanggap ng bids mula Nobyembre 5, alas-10:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga ng Nobyembre 7.
Sa ilalim ng selection process, magkakaroon ng tatlong observers mula sa Commission of Audit (COA), Foundation for Media Alternatives at Philippine Technological Council.
Magkakaroon din ng kinatawan mula sa DICT, Office of the Executive Secretary, Department of Finance (DOF), National Security Council, Department of Justice (DOJ), Philippine Competition Commission (PCC) at Securities and Exchange Commission (SEC) para maging bahagi ng technical working group.