Manila, Philippines – Nilagdaan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang letter of intent na pumapahintulot sa China Telecommunications Corp. na gamitin ang cable landing facilities ng gobyerno para ilunsad ang submarine cable.
Sa pamamagitan ng submarine cable, mapapabilis ang internet speed sa bansa.
Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio – mabebenepisyuhan nito ang national broadband plan ng gobyerno at ng free-WiFi project.
Paglilinaw ni Rio – ang paglagda sa letter of intent ay isa lamang sa mga bahagi na kailangang gawin bago nilang pirmahan ang Memorandum of Agreement (MOA).
Ang China Telecom ay bahagi ng Mislatel Consortium na hinirang na bagong telco player sa bansa.
Sa hiwalay na statement ng Mislatel – ang submarine cable facility ay gagamit ng optical fiber technology na kayang humawak ng signal, digital data, telephone at internet traffic.
Ang underwater cable ay kokonektahin ang Pilipinas, Hong Kong at Estados Unidos.