TELCO INDUSTRY | DICT, tiwalang ligtas at hindi magdudulot ng banta sa national security ang pagpasok ng Mislatel

Manila, Philippines – Tiwala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na magiging ligtas at walang banta sa national security ng bansa ang pagpasok ng third telco player na iginawad sa Mislatel Consortium.

Sa harap ito ng pangamba ng publiko na posibleng malagay sa alanganin ang seguridad ng bansa dahil Chinese ang nagmamay-ari ng nasabing kompanya.

Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio Jr. – nasuri namang mabuti ang Mislatel at walang nakitang problema dito ang pamahalaan.


Aniya, kahit nga ang kasalukuyang telco player sa bansa na Globe at Smart made in China rin ang halos lahat ng kagamitan dahil mas mura.

Kasabay nito, tiniyak ni Rio na paiigtingin pa ang cyber security measures ng mga telecommunication company para maiwasang makompromiso ang seguridad ng bansa.

Facebook Comments