TELCO INDUSTRY | DOF, bubuo ng strict pre-qualification criteria para sa pagpili ng 3rd telco

Manila, Philippines – Bubuo ngayong linggo ang Department of Finance (DOF) ng mahigpit na pre-qualification criteria para sa pagpili ng ikatlong telecommunications player sa bansa.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, layunin nito na maging competitive ang bagong service provider at kayang makipagsabayan sa mga telco giants tulad ng Smart Communications at Globe Telecom.

Kabilang aniya sa magiging criteria ay ang financial and technical capability, at ang previous experience sa telecom industy.

Umaasa ang kalihim na matapos nila ito sa Biyernes, June 15.

Una nang sinabi ni Dominguez na mahina ang proseso sa pagpili ng ikatlong telco player.

Facebook Comments