Manila, Philippines – Posibleng mai-anunsyo na ang ikatlong telecommunications player sa bansa sa Oktubre.
Ito ang pagbubunyag ng Department of Information and Communications Technology (DICT) kasunod ng ilang beses na pagkakaantala nito.
Ayon kay DICT Secretary Eliseo Rio, nagsimula na ang legal na proseso sa pagpili ng bagong telco.
Ang unang public hearing ay nakatakdang gawin sa August 23.
Aniya ang legal na proseso ay aabutin ng 55 araw o matatapos sa katapusan ng Setyembre.
Nagpapasalamat ang DICT kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pang-unawa nito sa sitwasyon.
Facebook Comments