Manila, Philippines – Nakatakdang pangalanan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang ikatlong telecom player ng Pilipinas sa Disyembre.
Ayon kay DICT acting Secretary Eliseo Rio, handa na ang selection process at inaasahang sa unang linggo ng Disyembre ito maaanunsyo.
Dagdag pa ni Rio, naresolba na rin ang problema sa 3G frequency na naipanalo dati ng Bayan Telecommunications Inc., na magiging bahagi na ng frequency na ibibigay sa bagong telco.
Una nang pinagkasunduan sa oversight body na ang pagpili sa ikatlong telco ay ibabase sa highest committed level of service.
Matatandaang noong 2015, ginawaran ng National Telecommunications Commission (NTC) ng 3G frequency slots ang Smart Communications, Globe Telecom, Digitel at Connectivity Unlimited Resource Enterprises Inc.
Ang Bayantel naman ay nakuha ang 3G frequency sa pamamagitan ng appellate court ruling noong 2010.