Nagpasalamat ang Mislatel Consortium sa pagkakapili sa kanila ng National Telecommunication Commission bilang provisional third telco player sa bansa.
Sa isang pahayag, ipinagmalaki ng Mislatel na dumaan at pumasa sa masusing pagsusuri ng NTC Selection Committee ang kanilang ang mga dokumento kasama na ang kanilang kapasidad.
Kumpiyansa ang Mislatel na sa magagawa nilang bigyan ng magandang serbisyo ang mga Filipino.
Sa committee service ng Mislatel, 10 percent ng bansa ang minimum coverage nito sa unang taon at 50 percent ang minimum coverage sa limang taon.
Nangako naman ang Mislatel ng minimum speed ng internet ay 5 Mbps sa una hanggang limang taon habang 55 Mbps ang maximum internet speed.
Facebook Comments