Quezon City – Mula sa sampung bumili ng selection documents para sa bidding ngayong araw para sa third player ng telecommunication service provider, tatlo na lamang ang pormal na sumali.
Bandang alas diyes kanina, kasabay ng pagtatapos ng deadline ng pagsumite ng bids, tanging ang mga mga bidders na lumahok ay ang Udenna-Chelsea-China Telecom, LCS-Tierone at PT&T.
Umatras sa bidding ang Now Telecoms Inc., sa dahilang dudulog sila sa court of appeals.
Hindi rin nakibahagi ang Converge ICT sa katwirang walang levelling of the playing field sa bidding na isinasagawa ngayong araw.
Sinasaksihan ng mga kinatawan ng COA, Foundation for Media Alternatives at Philippine Technological Council bilang observers ang nangyaring bidding.
Base sa Memorandum Circular 09-09-2018 na inilabas ng NTC, pipiliin ang third telco player iba base sa highest committed level of service ng higit sa limang taon.
Ang criteria ay i-a-assessed sa pamamagitan ng national population coverage, minimum average broadband speed at capital and operating expenditures.
Kailangan ang mga bidders ay mayroong congressional franchise, paid capital na atleast 10 billion pesos na may kapasidad na makapag-deliver at makapag-operate ng telephone service sanloob ng 10 ng pambansang antas